May mga bagay nga talaga na minsan mapapaisip nalang tayo kung bakit pa natin ginagawa at pinagtutuusan ng pansin ang mga ‘to kahit sinasaktan na nito ang ating nga damdamin. Akala natin madali, akala natin ganun ganun nalang pero sa totoo lang nilalamon na tayo ng ating mga “akala ko lang naman.” Nakakainis diba? Dahil kahit na alam na natin na wala tayong laban eh pilit parin natin pinagpipilitan ang ating mga gusto sa buhay pero sa huli, wala ih tayo padin ang lugi. Naisip mo na rin ba o minsan natanong sa iyong sarili na may kapupuntahan kaya ang buhay mo? Ako, oo. Lagi kong sumbat sa sarili ko kung bakit lagi nalang ang hirap mabuhay para sa isang araw. Shet, ang hirap. Ang hirap sumabay sa agos ng iyong mga nararamdaman, mahirap talaga na wala ka ng inaasahan sa lahat ng bagay sa mundong ito kundi ang iyong sarili na lamang. Ang hirap maging komplikadong tao, napakahirap na lagi kang dinidiktahan ng kung sino-sino lang, hirap maging ikaw, ang hirap talaga na wala ka ng kakampi at kahit yung tipong yung mga kilala mong akala mo nakakakilala talaga sayo ay alam na nila lahat ng ganap sa buhay mo, pero hindi pala. Ang hirap lang maging mahirap noh. Pareng Erap nakakatawa ka naman eh, sabi mo kasi pre “Forward Ever, Backward Never” pero ba’t parang ang dating samin ay walang forever? Charut lang guys millennials tayo eh x. Pero ayan nananaman eh, hugot nanaman tayo, hayx kabataan nga naman oh. Lagi nalang nila iniisip kung pano sila mabubuhay ng isang linggo kung wala silang nakakalandian sa chat. Lagi nalang ako may naririnig na “Pre, tara 1 buck lang tamang chill lang”, “Uys tol tara sinde”, “Tara pre wag na tayo pumasok”, “Bro, tignan mo yun oh”, “Men sarap ni ano”, “Nag-ano kami ni ano kagabi”. At oo tama yan wag natin kalimutan na bata palang ang mga yan. Mga menor de edad na ganyan na umasta na parang lahat ng karanasan sa buhay ay napagdaanan na. Nakakatakot isipin na paano sila sa kanilang paglaki kasabay sa pagtahak ng kanilang mga bagong istorya sa buhay. Oo inaamin ko naman eh parte ako ng henerasyon na ito at minsan narin akong nasangkot sa iilan sa mga ganyan, hindi ako magmamalinis. Nasubukan ko na lahat ang mga nakasama sakin at minsan ko ng nakaharap ang kamatayan. Hindi ko pinagsisihan ang mga iyon kasi kung baka ngayon ko palang nasisimulan masubukan ang mga iba’t ibang klase ng bisyo, ay malamang sa presinto ang aking diretso. Madami diyan na gusto lamang nila mga pasarap sa buhay, tambay sa bahay, inom sa gabi, sindi hanggang umaga, aral sa wala, pero sigurado ako hindi man nila naiisip kung ano ang mga lagay sa kanilang mga paligid. Siguro di parin nila mailagay… Kung may mga pasasalamatan man tayo ngayon eh yun dapat ang mga magulang natin na buong suporta at tiyaga na inaalalayan at pinapatawad tayo sa lahat ng mga kamaliang nagagawa natin sa buhay natin. Sila ang tunay na nagsasakripisyo upang makamit natin ang mga gusto natin mahangad kahit mabuti man ito o panlibangan lang. Sila talaga ang tunay na lodi, naiintindihan niyo ba yun? Kung sa tingin niyo ngayon ay nasasangkot na kayo sa mga pausok ng buhay na nalululong kayo sa kasamaan, eh hindi pa huli ang lahat. Lagi niyong tatandaan na kailangan niyo lamang na mapagsasabihan sa buhay, yung lagi mong mapagkukwentuhan, yung lagi mong maaasahan sa lahat ng bagay. Samahan mo yung mga taong hinahangaan ang mga kabutihan sa sarili mo, wag yung mga taong sinusuportahan ang mga baho mo. Sila ang dapat kinakaibigan at hindi iniiwan dahil hindi mo sila nakakasama sa inuman. Maghanap ka ng mga taong totoo di lamang sayo kundi pati narin sakanilang mga sarili. Magmahal ka ng isang tao ng tapat at totoo wag yung pang one-night stand lang. At para sa mga may lovelife diyan, kapag ginawa niyong centro sa inyong relasyon si God, pramis lahat ng tatahakin niyo ay naaayon sa inyong mga plano. At kung single ka man o hindi, lagi niyong tatandaan na walang problema ang hindi nasosolusyunan kasi hindi ka ilalagay ng Diyos sa sitwasyon na hindi mo kayang malagpasan. Walang sukuan mga tropa. Pano ko nagawa na bumawi at makita ang kasiyahan sa buhay? Simple lang, binaba ko ang sarili ko at nilagay ko ang aking buong pagtitiwala sa Diyos. Isa-isa kong tinanggal ang mga nakakasama sa aking pagkatao at pinalitan ito ng paga’appreciate at pagmamahal. Wala naman masama kung tayo ay magbabago diba, wala naman mawawala kung susubukan mong maging masaya. Tanong ko sayo ngayon, sa lahat ba ng mga hithit at tungga mo eh masasabi mo na masaya ka talaga? O di naman kaya na iniisip mo lang na masaya ka diyan kasi lasing ka? Pagisipan mo lang nang mabuti erp, makakarating ka rin diyan sa gusto mong pangarap. Oo naman wala naman masama sa pag-inom at pagsigarilyo eh, buhay mo yan eh desisyon mo yan pero sana lang eh alam mo ang limitasyon mo, kontrolin mo ang sarili mo orb habang di mo pagsisihan ang lahat. Mahalin mo lang ang sarili mo at mamahalin ka rin ng mga tao sa paligid mo. Maging totoo ka at wag kang gumaya sa iba. Walang susuko sa laban, may oras ka pang bumawi sa iyong mga pagkukulang at itama ang mga mali. Mahal tayo ni Lord, kailanman hindi niya tayo sinukuan kahit anong sakit sa buhay ay tiniis niya tayo. Kung kaya ko, kaya mo rin! Ikaw pa! Lodi kita eh. Ayiieee hi crush muna diyan sana mabasa mo to para pogi points beng! Peace out, heads up! All the best x
-Anon lang sa CC